Ad Code

Responsive Advertisement

Malawakang Pagsusuri ng AI para sa Breast Cancer, Inilunsad ng NHS

 




LONDON – Nasa 700,000 kababaihan ang inaasahang makikilahok sa trial ng artificial intelligence (AI) para sa breast cancer screening sa England.

Magsisimula ang trial sa Abril, kung saan limang AI platforms ang susuriin sa 30 pasilidad ng National Health Service (NHS). Layunin nitong mapabilis ang diagnosis ng mga pasyente at mabawasan ang trabaho ng mga radiologist.

Kasabay nito, naglunsad ang pamahalaan ng isang konsultasyon upang makatulong sa pagbuo ng konkretong plano kontra kanser, na ilalabas sa huling bahagi ng taon.

Ginagamit na ng NHS ang AI sa iba’t ibang paraan, kabilang ang paggamot sa cancer, pamamahala ng waiting lists, at pagsusuri ng cancer scans. 

Trial ng AI sa Breast Cancer Screening

Ang mga babaeng nakatakdang sumailalim sa regular na NHS screenings ay iimbitahang lumahok sa Edith trial, na may pondong £11 milyon o 796, 049, 760 Philippine peso.

Ang screening ay inaalok sa mga kababaihang may edad 50 hanggang 53 at inuulit tuwing tatlong taon hanggang sa edad na 71. Sa proseso, kinukuhanan sila ng X-ray o mammogram upang makita agad ang kanser bago pa ito makita o maramdaman.

Sa kasalukuyan, dalawang radiologist ang kinakailangang magbasa ng bawat screening upang matiyak ang tamang diagnosis. Ngunit sa tulong ng AI, posible nang isang espesyalistang doktor lamang ang magsuri, na makakatulong upang mabawasan ang waiting list at mapabilis ang serbisyo sa mas maraming pasyente.

Taun-taon, mahigit dalawang milyong mammograms ang isinasagawa sa ilalim ng screening program ng NHS, kaya't inaasahang magdadala ito ng malaking ginhawa sa mga radiologist.




Bagong Hakbang sa Pagtuklas ng Breast Cancer

Ayon kay Prof. Lucy Chappell, chief scientific adviser ng Department of Health and Social Care, maaaring maging "makabuluhang hakbang" ang pag-aaral na ito sa pagpapabuti ng cancer screening.

Sinabi naman ni Health Secretary Wes Streeting na dapat itong magsilbing simula ng mas malawakang pagpapabuti sa pangangalaga sa cancer.

"Kailangan natin ng agarang aksyon dahil ang survival rate ng cancer sa bansa ay nahuhuli kumpara sa ibang mga bansa," aniya. Nangako siyang maglalabas ng isang pambansang plano para sa cancer upang gawing pandaigdigang lider ang Britain sa pagsagip ng buhay laban sa nakamamatay na sakit na ito.

Kaugnay nito, nananawagan ang gobyerno sa publiko, mga pasyente, at eksperto na magbahagi ng kanilang pananaw at suhestiyon sa website ng Change NHS.

Gayunpaman, nagbabala ang Royal College of Radiologists na bagama’t may malaking potensyal ang AI, kulang pa rin ng 30% ang NHS sa kinakailangang bilang ng radiologists.

"Matatagalan bago lumabas ang resulta ng pag-aaral na ito, kaya’t nananatiling mahalaga ang pagpapalakas ng kapasidad sa radiology," dagdag ng organisasyon.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Ad Code

Responsive Advertisement