Isang koalisyon ng mga dating empleyado ng OpenAI, mga legal expert, AI researchers, at nonprofit advocates ang naglabas ng isang bukas na liham... Ipinapahayag nila ang matinding pagtutol sa planong paglilihis ng OpenAI mula sa orihinal nitong diwa — ang pagserbisyo para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, hindi para sa kita.
Ang Orihinal na Diwa ng OpenAI: Para sa Lahat, Hindi para sa Kita
Nang itinatag ang OpenAI, malinaw ang misyon nito... "Tiyakin na ang artificial general intelligence (AGI) ay magdudulot ng benepisyo para sa buong sangkatauhan," ayon sa Articles of Incorporation nila... Hindi para sa pribadong interes o tubo ng iilang tao.
Bilang proteksyon, binuo ang isang estruktura kung saan ang nonprofit entity ang may kontrol sa anumang komersyal na sangay. May mga safeguards tulad ng:
- Kontrol ng nonprofit board
- Capped profits upang ang sobra ay mapunta pa rin sa public benefit
- Independent board members
- Fiduciary duty sa misyon, hindi sa kita
- Pagmamay-ari ng AGI nananatili sa nonprofit
Sa mismong mga salita ni Sam Altman noong 2017: "Ang tanging dapat naming pagsilbihan ay ang sangkatauhan mismo"
Ang Pagbabago: Mula Misyon Patungong Kita?
Ngayon, pinaplano ng OpenAI na baguhin ang estruktura nito... Mula sa isang nonprofit-controlled subsidiary patungo sa isang Delaware Public Benefit Corporation (PBC).
Ngunit sa ilalim ng PBC, bagama't maaaring isaalang-alang ang public benefit, may tungkulin din ang board sa mga shareholders... Hindi na garantisado ang "mission first" mentality... Hindi na rin madaling ma-enforce ang public accountability gaya ng dati, dahil mawawala ang direkta at legal na oversight ng mga Attorney General.
Pinangangambahan din ang mga sumusunod:
- Maaaring mawala ang profit cap — kaya ang kinabukasan ng AGI profits ay mapupunta na sa mga investors, hindi sa publiko.
- Hindi na garantisado ang independent board oversight.
- Ang kontrol ng AGI development ay lilipat sa for-profit entity.
- Panganib na mabaliwala ang mga charter commitments tulad ng "stop-and-assist" clause para sa mas ligtas na AGI.
Bakit Mahalaga ang Paninindigan?
Hindi ito simpleng internal restructuring lang. Ang usapin dito ay kanino nga ba dapat accountable ang pinaka-makapangyarihang teknolohiya sa mundo?
Sabi ng open letter: "Ang pagtanggal ng mga safeguards ay nangangahulugan ng paglalagay ng pinaka-makapangyarihang teknolohiya sa kamay ng isang entity na may legal na tungkulin sa shareholders, hindi sa sangkatauhan"
Ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa OpenAI. Isa itong laban para panatilihin ang prinsipyo na ang teknolohiya, lalo na ang AI, ay dapat gamitin para sa ikabubuti ng lahat, hindi lang para sa tubo ng iilan.
Panawagan Para sa Aksyon
Nanawagan ang mga pumirma sa bukas na liham sa mga kinauukulan:
- Itigil ang restructuring.
- Panatilihin ang nonprofit control.
- Ipatibay ang board independence.
- Siguruhing mananatili ang misyon bilang pinakamataas na prioridad.
Isang mahalagang tanong ang ibinato nila sa OpenAI: "Paano nakakatulong sa orihinal na misyon ang pagbibigay ng kontrol sa isang profit-driven na entity?"
Tunay na pagsubok ito sa puso ng organisasyon. Sa mga panahong ganito, kailangang maging malinaw kung alin ang higit nating pinahahalagahan: ang kita o ang kapakanan ng buong sangkatauhan.
0 Mga Komento