Ad Code

Responsive Advertisement

Oxford University at OpenAI, Nagsanib Pwersa sa Bagong Partnership

 

Inanunsyo ng University of Oxford ang isang makasaysayang limang-taong pakikipagtulungan sa OpenAI, ang kompanyang nasa likod ng sikat na artificial intelligence tool na ChatGPT.

Ayon sa pamantasan, ang kolaborasyong ito ay magbibigay ng pondo at "pinakabagong" AI tools sa mga estudyante at kawani upang mapaunlad ang pagtuturo, pag-aaral, at pananaliksik. Bilang bahagi ng proyekto, ilang bahagi ng pampublikong koleksyon ng Bodleian Library ang ididigitalisa upang mas madaling ma-access.

Ayon kay Brad Lightcap, chief operating officer ng OpenAI, mahalaga ang "patuloy na pakikipagtulungan" sa akademya upang makalikha ng AI na makikinabang ang lahat.

Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng access ang mga mananaliksik sa Oxford sa pinakabagong modelo ng OpenAI, kabilang ang bersyong idinisenyo para sa mga institusyong pang-edukasyon. Magkakaroon din ng mga research grants para sa mga proyekto na may kaugnayan sa OpenAI, na nakabase sa Silicon Valley, California.

Sinabi ng unibersidad na makatutulong ang partnership na ito sa pagpapabilis ng pananaliksik sa mga mahahalagang larangan tulad ng kalusugan at pagbabago ng klima.

Ayon kay Prof. Patrick Grant, pro vice-chancellor for research sa Oxford, ang artificial intelligence ay nagpapabilis ng siyentipikong pagtuklas at tumutulong sa pagsusuri ng mas komplikadong data. "Layunin ng unibersidad na manatiling nangunguna sa AI research upang mapakinabangan ito ng mga mananaliksik at ng lipunan sa pinakamatalinong paraan," dagdag niya.

Samantala, ang ilang koleksyon ng Bodleian Library na hindi pa nailalagay online ay magiging mas accessible sa buong mundo dahil sa proyektong ito.

Ayon kay Richard Ovenden, librarian ng Bodleian, "Misyon ng Bodleian na ipunin, ingatan, at ipamahagi ang kaalaman para sa kapakinabangan ng mga estudyante, mananaliksik, at ng publiko. Sa paglipas ng panahon, patuloy kaming naghahanap ng mga makabagong paraan upang matupad ang misyong ito."

Ang bagong kasunduang ito ay bahagi ng NextGenAI, isang proyekto sa pagitan ng nangungunang mga unibersidad sa US at UK na sinuportahan ng OpenAI.

Ayon kay Lightcap, "Ang NextGenAI initiative ay magpapabilis ng pananaliksik at magbibigay-daan sa isang bagong henerasyon ng mga institusyong may kakayahang gamitin ang makapangyarihang teknolohiyang AI."

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento

Ad Code

Responsive Advertisement